May 13, 2024
Tanauan, Batangas
Ang Gran Logia Soberana del Archipielago Filipino at ang Valle De Laguna, sa pangunguna ng Logia Mabini Nu. 9 ay ginunita ang ika-121 Taong Anibersaryo ng Kamatayan ni Hermano “Katabay” Apolinario Mabini.
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Gng. Gina C. Batuhan mula sa National Historical Commission of the Philippines sama-samang nag-alay ng bulaklak ang lahat ng dumalo kabilang ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod, kaanak ni Mabini, iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan, mga indibidwal at mga organisasyon bilang pakikiisa sa ika-121 Anibersaryo ng Kamatayan ng ating bayani noong, ika-13 ng Mayo 2024